| Subcribe via RSS

Unang Hamon sa Ika-apat na taon

June 22nd, 2010 | No Comments | Posted in Personal

Tulad ng karamihan, eksayted lahat pumasok sa unang araw ng pasukan. May mga eksayted makakilala ng mga bagong kaibigan, may mga eksayted sa bagong paaralan, at may eksayted din balikan ang buhay kolehiyo at harapin ang mga suliraning kinakaharap.

Bago pa man ang pasukan, may mga problema na na nakapila sa akin at naghihintay na maproseso sa aking munting kaisipan.

Tulad sa pambansang pamahalaan, para bang nagkaroon ng Midnight appointments sa aming publikasyon, desisyon ukol sa kung sino ang magiging Punong Patnugot. Sa ginawa kong pagtutol sa desisyon at paglalahad ng sitwasyon sa mga kasamahan ay naakusahan ako ng kung anu-ano.

Matapos ang mahigit dalawang linggo, natapos ang aberya sa isang pag-uusap. Dito muli namin inilahad ang mga dahilan ng pagtutol at dito din muli sa amin pinamukha kung bakit ganito ang desisyon. Na sa bawat paliwanag nila, kaakibat ang personal na pag-ayaw sa mga taong ilang taon ang ibinuhos sa publikasyon.

Totoo nakakaloko, totoo nakakabastos, totoo nakakawalang gana. Na sa isang iglap, binuhusan ng nagyeyelong tubig ang kandila na magsisindi sa siga.

Suma tutal, walang nagbago sa kanilang desisyon, na parang walang bigat ang aming mga posisyon at parang wala kaming nagawa. Kami ay nahamon pa na kung hindi matanggap ang desisyon ay umalis nalang.

Pero bakit kami aalis? Bakit ako aalis? Wala naman dahilan para lumisan. Pinasok ko ito dahil mahal ko ang pagsusulat at minahal ko na din ang publikasyon kahit ginago kami sa huli.

Sa ngayon, masasabi na balik sa normal na ang galaw sa opisina. Pero sa bawat sugat, mayroon pilat na hindi agad mawawala. (Huwag mo nang sabihing ‘bitter’ sapagkat hindi mo alam ang aking pinagdaanan at naranasan)

Ang aking pananatili sa opisina ay para sa publikasyon, hindi para sabihin mo na nagkamali ako.

  • Tag Clouds

  • Meta